Posted July 30, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Hindi umano nakikipag-unayan sa LGU Malay kaugnay sa
estado ng kanilang flood control project ang TIEZA.
Bagama’t tumanggi muna itong magbigay ng pahayag, sinabi
ni Municipal Engineer OIC Engr.Arnold Solano sa kanyang text message na wala
silang natatanggap na komunikasyon tungkol dito mula sa TIEZA.
Sinabi din nito sa kanyang text message na dapat talagang
makipag-ugnayan din sa kanila ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise
Zone Authority tungkol sa kung ano na ang estado ng kanilang pumping station.
Nag-aabang na rin kasi at nababahala ang publiko na
maaaring maulit na naman ang perwisyo at nakakahiyang pagbaha sa mga
pangunahing kalsada sa isla lalo pa’t patuloy parin tayong nakakaranas ng
pag-ulan.
Samantala, magugunitang sinabi naman ng TIEZA Contractor
ng TIEZA na nakatakdang i-commissioning o ikondisyon ang mga dumating nilang drainage
pump nitong mga nakaraang linggo subali’t naunsyami ito dahil sa umano’y
kakulangan ng piyesa.
No comments:
Post a Comment