Posted November 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nakalatag na
umano ang ginagawang preparasyon ng probinsya ng Aklan at ng LGU Malay para sa
gaganaping Association of South East Asian Nation (ASEAN) Summit sa taong 2017.
Ayon kay Aklan
Governor Florencio Miraflores , ang isla umano ng Boracay ang gagawing venue
para dito kung saan nagsagawa na umano ng ocular inspection ang National
Organizing Council (NOC) ng ASEAN para sa seguridag ng nasabing event.
Ang Aklan
provincial government umano ay tiwala na makakaya at magagampanan ng maayos ang
ASEAN summit sa Boracay kung saan ito ay matatapos ng mapayapa at matagumpay.
Samantala, tiwala
rin ang LGU Malay na makakaya nilang humawak ng malalaking event na magaganap
sa isla kung saan may karanasan na rin umano ang kanilang mga personnel at kaya
na nilang gumawa ng mga templates dahil sa mga nakaraang international events
sa isla.
Inaasahang apat
na magkakaibang event ang gaganapin umano sa isla simula sa unang buwan ng
Enero hanggang Pebrero taong 2017.
No comments:
Post a Comment