Monday, November 07, 2016

Employer na nagpapasahod ng below minimum rate, binalaan ng DOLE

Posted November 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for doleBinalaan ngayon ng Department of Labor & Employment (DOLE-Aklan) ang mga employer na below minimum rate parin ang isinasahod sa kanilang mga empleyado partikular dito sa isla ng Boracay.

Itong usapin ay may  sa ginanap na seminar nitong Biyernes sa isla ng Boracay tungkol sa ENDO o (End of Contractualization).   

Sa naturang pagpupulong ay binigyan ng pagkakataon ang mga empleyado at employer na magbigay ng kanilang katanungan sa kanilang mga karapatan may kaugnayan sa kanilang mga trabaho.

Kaugnay nito, isang nagtatrabaho sa spa ang nagtanong kay Usec. Dominador Say na siyang naging tagapagsalita, na ang ipinapasahod parin umano sa kanila ay below minimum rate kung saan paliwanag naman umano ng kanilang amo dito ay binibigyan naman sila ng tip ng kanilang costumer.

Dahil dito, ipinaliwanag ni Say na hindi umano tama ang ganitong gawain dahil ito ay hindi naaayon sa batas.

Kaya naman pina-alalahan ngayon ng DOLE ang mga empleyado na i-report ang mga kaparehong karanasan upang maaksyunan at matigil itong gawain.

No comments:

Post a Comment