Posted November 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Dumaong na ang
kauna-unahang pagbisita ng MS Pacific Venus sa isla ng Boracay dakong alas-sais
ng umga kanina.
Kung saan mainit
na sinalubong ng mga taga Boracay ang mga turistang sakay ng naturang cruise
ship.
Ayon naman kay
Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration Caticlan, mahigit
400 na mga turista at crew ang sakay nito, at nagkaroon ng pagkakataon ang mga
ito na maikot at makapasyal sa isla.
Nabatid na 80
porsyento umano sa mga nagtatrabaho dito ay mga pinoy kung saan ayon sa mga ito
malaki umanong pribilehiyo ang makapag-trabaho sa naturang barko.
Samantala, isang
maiden call ang ginanap kung saan nagpalitan ng plaque of exchange ang kawani
ng DOT sa katauhan ni Kristoffer Leo Velete DOT Boracay Sub-Office Tourism
Assistant, SB Dante Pagsuguiron ng LGU Malay, Marcello Mabilog Philippine Ports
Authority at Emelyn Gomez Aklan Provincial Tourism Office.
Samantala, ang MS
Pacific Venus ay ika-11 na dumaong ngayong 2016 sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment