Posted November 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Magandang balita
sa mga Malaynon at Boracaynon dahil tumaas ngayon ang Tourist Arrival sa isla ng
Boracay nitong nakaraang Undas kumpara noong nakaraang taong 2015.
Ito ay base sa
bagong naitalang rekord ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay simula nitong
October 28 hanggang November 2 All Souls Day.
Napag-alamang umabot sa 27, 737 ang kabuuang tourist arrival
nitong Nobyember na kinabibilangan ng local, foreign tourists at OFW.
Habang
nakapagtala lamang ng 20, 231 na tourist arrival noong nakaraang taon ang Mtour
na pareho ring kinabibilangan ng local, foreign tourists at OFW.
Samantala, inaasahan
naman umano ng Mtour na maabot nila ang target na 1.7 million tourists arrival
ngayong taon.
No comments:
Post a Comment