Posted November 11, 2016
Ni Danita Jean Pelayo YES FM Boracay
Nahuli ang isang lalaking may warrant of
arrest matapos magsagawa ng manhunt operation ang mga pulis kahapon.
Naaresto ng Boracay PNP ang akusadong si
Arleen Gelito Saluta Sr., 56 anyos, residente ng Sitio Lugutan, Brgy Manoc-
Manoc, Boracay.
Sa report ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC), ang suspek ay nahuli sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal
Case No. 1570-M, na inisyu at nilagdaan ni Presiding Judge Hon. Jemena Abellar Arbis ng 6th Judicial Region, 6th Municipal Regional
Trial Court noong Nobyembre 2, 2016.
Ang akusado ay may kasong Anti Human
Trafficking sa paglabag ng Section 6 na may kaugnayan sa Section 4 RA 10634.
No comments:
Post a Comment