Posted November 9, 2016
Ni Danita Jean
Pelayo, YES FM Boracay
Ang pangyayari ay nakita ng isang sales lady na si Jelly
Mendoza matapos mapansin sa salamin ang paglagay ng suspek ng tatlong pakete ng
Energen sa isang plastic bag.
Agad niya itong ipina-alam sa kanyang Supervisor, at sinabihan
ang suspek na dapat niyang bayaran ang kaniyang mga kinuha.
Ngunit pagdating sa counter, ang tanging binayaran lang
ng suspek ay ang isang pakete ng isang biscuit at dalawang noodles.
Bunsod nito, kinumpiska nila ang kanyang mga bitbit at
dito nakumpirma na may kinuha nga ang suspek.
Dahil dito, ipinagbigay alam nila sa mga pulis ang nangyaring
insedente kung saan ang suspek ay naka-kustodiya na ngayon sa Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment