YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 08, 2016

Korean at Chinese, nangunguna parin sa tourist arrival sa Boracay

Posted November 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tourist arrival in boracayKorean at Chinese tourist parin ang siyang nangunguna sa tourist arrival sa isla ng Boracay ngayong taon simula nitong Enero hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan.

Nabatid na mahigit 739,960 na mga bumisita dito ay kinabibilangan ng Korean at Chinese nationals kung saan nasa 16.61 % ang pagtaas kumpara sa 634,539 ng nakaraang taon sa kapareho ring period.

Kaugnay nito, mga Koreans ang nangunguna na may 36.23 % o (268,099) na bumisita kung saan 11 % ang itinaas mula sa 241,516 kumpara noong taong 2015.

Samantala, sa Chinese tourists ay may rekord parin itong 244,422 hanggang 64 percent sa kaparehong period noong 2015.

Sumunod naman dito ang mga Taiwanese na may 50,338; Malaysia, 22,905 at United States na merong 19,080.

Ayon sa tala ng Malay Municipal Tourism Office (Mtour), itong limang nasyonalidad ay may 81.74 percent na total ng mga foreign visitors na bumisita sa loob lamang ng sampung buwan kung saan sa loob ng buwan ng Oktubre ay meron itong rekord na 118,682.

Samantala, sa domestic tourist ay tumaas naman ng 58,368 kumpara noong nakaraang taon na 43,954.

Sa kabuuan ang Boracay ay may 1,466,746 tourist arrival mula Enero hanggang Oktubre at may 12.24 percent ito sa 1,306,799 sa kaparehong period ng taon.

Balak naman ng Mtour na maabot ang target na 1.7M tourist arrival sa pagtatapos ng 2016.

No comments:

Post a Comment