Posted November 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inaalam pa ngayon
ng mga kapulisan sa Libacao PNP station kung ano ang motibo ng isang magsasaka
sa kanyang pagbaril-patay sa sarili sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan.
Kinilala ang
biktima na si Ernani Santiago, 32-anyos nakatira sa naturang lugar.
Ayon sa spot
report ng Libacao PNP, galing umano sa birthday party ang biktima ng mangyari
ang insidente.
Nabatid na
nagbaril sa kanyang ulo ang biktima kung saan narekober naman sa lugar ang .22 magnum
revolver na baril.
Patuloy naman ang
ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng pagpapakamatay ng
biktima.
No comments:
Post a Comment