Monday, April 11, 2016

ASEAN meeting sa Boracay tagumpay na naidaos

Posted April 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

MARINA
Tagumpay na naidaos ang 31st ASEAN meeting sa isla ng Boracay ng Maritime Transport Working Group (MTWG) nitong Abril 6-8, 2016.

Base sa report ng Boracay PNP, walang naitalang major crime incident sa tatlong tatlong araw na aktibidad na ginanap sa Boracay Regency Beach Resort and Convention Center.

Nabatid na dinaluhan ito ng 170 delegates mula sa sampung ASEAN Member countries na kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, Vietnam); dialogue partners from Germany, Japan, Korea, China, India and International Maritime Organization; other Private NGOs in ASEAN and the local participants from various sectors.

Pinangunahan naman ni SB Member Rowen Aguirre ng LGU Malay ang opening ceremony kasama ang mga taga Maritime Industry Authority (MARINA).

Samantala, nauwi ang naturang meeting sa pag-uusap tungkol sa maritime concerns at improvement ng transportation activities sa ASYA.

No comments:

Post a Comment