Tuesday, April 12, 2016

Bayan ng Malay, pangalawa sa may pinakamaraming bagong building constructions sa Aklan

Posted April 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for building constructionPumapangalawa ngayon ang bayan ng Malay sa may pinakamaraming bagong building construction project sa probinsya ng Aklan na may bilang na 144 (28.02%).

Ito ay base sa inilabas na record ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong 2015 kung saan ang bayan naman ng Kalibo ang nangunguna rito na may 228 (44.36%).

Napag-alaman na ang kabuuang bilang na bagong construction projects na aprobada na may  building permit sa Aklan ay umabot sa 522 nitong 2015 kung saan bumaba naman ito ng 13.43 percent kumapara sa 2014 figure na may 603.

Pumapangatlo naman rito ang bayan ng Banga na may 31 (6.03%) sumunod ang New Washington at Numancia na may parehong 24 (4.67%.

Nabatid na ang patuloy na pagtaas ng mga bagong construction sa bayan ng Malay ay dahil sa kaliwat-kanang construction project sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment