Tuesday, April 12, 2016

Dalawang Pool attendant, kulong dahil sa panununtok

Posted April 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulunganNamamaga pa ang mukha ng mag-sumbong sa mga pulis ang isang turista.

Ito’y matapos niyang ireklamo ang dalawang dating Pool attendant sa isang hotel sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay.

Sumbong ng biktimang si Mario Yabut 34-anyos sa Boracay PNP, paalis na umano sila ng hotel ng makita nito ang dalawang suspek sa labas at nag-sign ng dirty finger sa kanya kung saan agad naman niya itong kinumpronta.

Ngunit dahil dito, agad umano siyang sinuntok ng isa sa mga suspek na tumama naman sa kanyang mukha dahilan para mag-karoon ito ng pasa at mamaga.

Samantala, sinasabi ng dalawa na ang biktima umano ang dahilan kung bakit sila natanggal sa kanilang trabaho bilang Pool attendant dahil sa hindi umano pag-kakaunawaan kung saan ito naman ang nag-udyok sa mga suspek na gantihan ang biktima. 

Sa ngayon pansamantalang naka-kustodiya sa Boracay PNP ang dalawang dating Pool attendant.

No comments:

Post a Comment