Wednesday, April 13, 2016

Anim na team ng BIPA, handang-handa na sa Dragon Boat Competition

Posted April 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dragon boat competition boracayHandang-handa na ang anim na team ng Boracay Island Paddlers Association o (BIPA) para sa gaganaping Dtragon Boat Competition  dito sa Boracay sa Abril 21-23, 2016 .

Ayon kay BIPA Vice President and Chairman (BIDBF) o Boracay International Dragon Boat Festival Tootsie Ronnholm, full-force umano ang kanilang team para sa nalalapit na laban at kung saan puspusan ngayon ang kanilang pag-iinsayo upang maipanalo ang kanilang team.

Aniya, ang nasabing kumpetisyon ay lalahukan ng 700 partisipante mula sa ibat-ibang panig ng mundo kung saan mag-uumpisa ang kanilang laro sa Abril 22 sa 500 meter race at 250 meter race naman sa Abril 23 sa Station 2 sa harap ng Hennan Resort kung saan kasabay din nito ang awarding ng mga mananalo.

Nabatid ang anim na koponan ay kinabibilangan ng Boracay All Stars, Boracay Dragon Force, Boracay Dragonflies, Boracay Sea Dragons, Nami Ati Team, Boracay Bumshells kung saan kabilang din dito si Ronnholm.

Ang Dragon Boat Competition ay taunang ginaganap sa isla ng Boracay na ngayon ay nasa ika-sampung taon na.

No comments:

Post a Comment