Monday, April 11, 2016

7 kalalakihan sa Boracay, timbog sa buy-bust operation

Posted April 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulong sa buy bustTimbog sa isinagawang buy-bust operation ang pitong kalalakihan sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-manoc, Boracay kahapon.

Sa pinagsamang pwersa ng PAEDSOTG, PDEA at Boracay PNP, nahuli ang mga suspek sa bahay na sinasabing drug den kung saan narekober sa mga ito ang 11 sachet ng suspected shabu at drug paraphernalias.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang pitong suspek na sina Alfie Apollo 33-anyos, Art Delos Santos 38, Jomar Bertoldo 30, Nel Cawaling 44, Lester Matias 22, Eric Martin 39, at Wilkin Yano 29 nakatira sa nasabing Brgy.

Samantala, ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment