YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 14, 2016

Pag-rescue sa mga aeta beggars sa Boracay nagpapatuloy

Posted April 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Boracay PNP photo
Buong pwersa parin ang ginagawang operasyon ng Municipal Social Welfare Development Office-Boracay at ng Boracay PNP sa pag-rescue sa mga namamalimos na ati sa isla.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy parin na implementasyon ng Anti-Mendicancy Law kung saan layunin nito na masugpo o mapauwi sa kanilang mga lugar ang mga naturang ati na pakalat-kalat sa isla.

Katunayan ilang aeta beggar na naman ang kanilang na rescue kahapon sa mainroad ng Manoc-manoc at sa beach front ng isla kung saan ang mga ito ay sinasabing mula sa bayan ng Ibajay sa Aklan.

Katuwang din sa naturang implementasyon ang Municipal Auxiliary Police-Boracay at ang mga miyembro ng Tanod mula sa Barangay Manocmanoc.

Samantala, agad namang itinur-over sa MSWDO-Malay Special Body on Indigenous People ang mga nasabing aeta para maiuwi sa kanilang mga lugar.

Ang naturang implementasyon ay pinangunahan ni DSWDO Officer-in-Charge Madel Dee Tayco-Schoenenberger at ni Chief of Operation and Intelligence Sections at SP01 Christopher Mendoza, PCR PNCO ng Boracay Tourist Assistance Center.

No comments:

Post a Comment