Posted April 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi nagpa-awat ang isang manlalarong si Edwin
Villanueva mula sa bayan ng Malay sa kabila ng kanyang kapansanan kung saan
parehong putol ang kanyang dalawang paa.
Katunayan si Edwin ay nakakuha ng Gold Medalist sa
nagpapatuloy ngayong Palarong Pambansa sa Albay, kung saan tinalo nito ang mga
manlalaro sa ibat-ibang rehiyon.
Dahil dito malaki naman ang pasasalamat ni Public School
District Supervisor Jessie Flores sa trainor ni Edwin na si Mr. Iquinia at sa coach
na si Luneta Tumaob kasama na ang Provincial Government ng Aklan, Lgu Malay at
sa mga tumulong para makasali si Edwin sa nasabing kumpetisyon.
Nabatid na si Edwin ay isang 17-anyos na kabilang sa PWDS
dahil sa parehong putol ang kanyang paa na isa namang mag-aaral ng Malay
National High School.
Si Edwin ay tinanghal na Gold Medalist sa breast stroke at
Silver Medalist sa back stroke kung saan nanalo rin siya ng 3 gold medals sa swimming
competition sa nakaraang West Visayan Regional Association Meet sa siyudad ng
Iloilo noong Pebrero 8-12, 2016.
No comments:
Post a Comment