Tuesday, April 12, 2016

Mga miyembro ng BAG nag-pulong para sa malalaking event sa isla ngayong Summer

Posted April 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Boracay PNP Photo
Buong pwersang nagsama sa isang Coordination meeting ang lahat ng miyembro ng Boracay Action Group (BAG) para sa paghahanda sa malalaking event sa Boracay ngayong Summer.

Ito ay kinabibilangan ng Boracay PNP, Philippine Coastguard, Philippine Army, Kabalikat CIVICOM at iba pang mga volunteer groups sa isla.

Ang naturang meeting ay pinangunahan naman ni Hon Mayor John Yap, Vice Mayor Welbec Gelito at ni SB Jupiter Gallenero at ni BAG Consultant Commodore Leonard Tirol.

Nabatid na pinaghahandaan na ng BAG ang mga nalalapit na Local at International Events kagaya ng LaBoracay 2016 sa (April 29-May 3); Boracay International Dragon Boat Festival, Nestea Beach Volley Finals, Boracay Grand Flores de Mayo at iba pang malalaking events.

Ang pagpupulong ay para mapaigting ang pwersa ng mga otoridad para sa inaasahang pagdagsa ng maraming tao ngayong summer season sa Boracay.

No comments:

Post a Comment