Thursday, April 14, 2016

Isla ng Boracay kabilang sa bibisitahin sa Aklan ni Mayor Rodrigo Duterte

Posted April 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for duterte
Image by rappler.com
Isa ang isla ng Boracay sa probinsya ng Aklan sa bibisitahin ng tumatakbong kandidato sa pagka-pangulo na si Mayor Rodrigo Duterte ngayong Abril 20, 2016.

Ito ay base sa anunsyo na inilabas ng #DUTERTEcampaignTeam sa pangunguna ni Atty. Joseph Encabo, kung saan nakatakdang dumating si Duterte bandang alas-12 ng tanghali sakay sa isang helicopter sa Boracay.

Dito nakatakdang magsagawa ng kanyang motorcade sa Boracay si Duterte na susundan naman ng pagdalo nito sa isang convention ng Caritas health.

Pagkatapos nito ay agad na tutungo sa bayan ng Kalibo si Duterte kung saan magkakaroon siya ng courtesy visit kay Aklan Bishop Corazon Talaoc sa Bishops palace at didiritso naman sa Pastrana Park.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagbisita ni Duterte sa Aklan para hingin ang tulong ng mga Aklanon kasabay ng pag-endorso ng kanyang partidong PDP-LABAN.

No comments:

Post a Comment