Posted October 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagbigay ngayon ng paalala si Malay COMELEC Officer Elma
Cahilig sa mga Malaynon na pansamatala muna silang magsasarado para sa
Biometrics registration sa Oktobre 12-16, 2015.
Ito umano ay para bigyang daan ang mga tatakbong kandito
para sa National and Local Elections sa Mayo 9, 2016 para sa kanilang Filing
for Certificate of Candidacy (COC).
Ngunit sinabi nito na magbabalik ang kanilang operasyon
sa Oktobre 17 hanggang sa katapusan ng buwan ng Oktobre para sa huling araw ng
biometrics registration.
Kaugnay nito nasa limang porsyento na lamang umano ngayon
ang mga botante sa Malay ang hindi pa sumailalim sa biometrics registration
kung kayat muli nitong paalala sa lahat na maghabol na sa pagpapatala para
makaboto sa halalan.
Nabatid na ang bayan ng Malay ang pangalawa sa may
pinakamaraming botante sa probinsya ng Aklan na sumunod sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment