Tuesday, September 29, 2015

Isa sa miyembro ng Payumo Brothers Gang, na-aresto ng Boracay PNP

Posted September 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kulunganNaaresto nitong Linggo ng Boracay PNP ang isa sa miyembero ng Payumo Brothers Gang matapos na mahuling nagnanakaw sa isang resort sa isla.

Sa report ng Boracay PNP nakilala ang naarestong suspek na si James Tesnado Payumo, 26 mula sa San Jose, Romblon at temporaryong nakatira sa Sitio Laguna, Brgy Balabag, Boracay.

Nabatid sa report na isang empleyado ng hotel ang nakakita sa suspek palabas ng isang kwarto na inuukapahan ng dalawang turista bitbit ang isang wallet kung saan agad niya itong kinompronta ngunit mabilis na tumakas papalayo.

Dito agad namang na-corner ng mga otoridad si Payumo sa beach area matapos na humingi ng tulong ang naturang empleyado kung saan nakaagaw atensyon sa mga tao sa lugar ang pagsisigaw nito ng magnanakaw.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek kung saan dito nare-cover sa kanyang posisyon ang perang nagkakahalaga ng mahigit sa 15 libong peso, dalawang cellphone, drivers license, ATM card, relo, camera, at ibat-ibang identification card ng mga biktima.

Ayon naman kay Senior Police Officer 1 Christopher Del Rosario Mendoza ng Boracay PNP, ang Payumo Brothers umano ay sangkot sa ibat-ibang serye ng nakawan sa isla simula pa noong mga nakaraang taon.

Ang suspek ay naka-kustodiya na ngayon sa Aklan Rehabilitation Center sa bayan ng Kalibo, Aklan matapos sampahan ng kasong theft.

No comments:

Post a Comment