Tuesday, September 29, 2015

9 na chief of police sa Aklan paiimbestigahan dahil sa umanoy non-performance of duties

Posted September 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for PNPNasa ilalim ngayon ng imbestigasyon ng Aklan Police Provincial Police Office ang siyam na Chief of Police na umanoy hindi ginagawa ang kanilang trabaho.

Ayon kay Senior Superintendent Iver Appelido, acting provincial police director, bigo umano ang siyam na mga chief of police na maka-aresto ng mga suspek sa illegal na druga sa kanilang nasasakupang bayan.

Napag-alaman na walang record ang sinasabing siyam na mga chief of police sa pag-aresto sa mga suspek na may kaugnayan sa ipinagbabawal na druga.

Samantala, iginiit naman ni Appelido na sinusunod lamang nila kung ano ang ipinapagawa sa kanila ng Police Regional Office 6.

No comments:

Post a Comment