Monday, September 28, 2015

Opening Salvo ng Ati-Atihan Festival 2016 inaabangan na ngayong Oktobre

Posted September 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Ati-ATihan festival 2016Ngayong Oktobre 23, 2015 pormal ng magbubukas ang mahabang selebrasyon ng Ati-Atihan Santo Niño Festival 2016 sa Enero.

Ayon kay Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi) chairman Albert Menez, dadagundong na umano ang malalakas na tunog ng mga drums na sasabayan ng pagsayaw ng mga deboto.

Sinabi ni Menez na matapos ang pormal na pagpaphayag ng Opening Salvo ay dito na umano magsisimula ang tinatawag na ‘sadsad’ o street dancing sa ibat-ibang pangunahing kalsada sa bayan ng Kalibo lalo na sa paligid ng Pastrana Park.

Matapos nito isang kasiyahan naman ang magaganap sa Magsaysay Park sa Oktobre 24 tampok ang ilang DJ at artista sa bansa.

Ang Ati-Atihan celebration ay magaganap sa Enero 8-17 2016 sa bayan ng Kalibo kung saan inaasahan ang libo-libong deboto at mga turista sa tinaguriang “Mother of all Philippine Festivals,”

No comments:

Post a Comment