Posted October 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dahil dito ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan katuwang
ang Philippine National Police, Provincial Social Welfare Development Office at MSWDO ay planong magtayo ng "Bahay-Pag-
asa para sa mga nalilihis ng landas.
Nabatid na nitong nakaraang linggo ay nagsagawa ng
committee hearing ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan para pag-usapan ang
mga pulisiya para sa mga kabataang sumusuway sa batas.
Napag-alaman na tumataas ngayon ang kaso ng nakawan sa
lalawigan lalo na sa bayan ng Kalibo kung saan imbolbado rito ang mga menor
de-edad na kabataan.
Samantala, ang programang ito ay nakatakda pag-usapan
muli ngayon araw sa SP Session ng Aklan sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment