Wednesday, September 30, 2015

Dalawang British national ninakawan habang naliligo sa Boracay

Posted September 30, 201
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawan sa beach sa Boracay
Dalawang British national ang ninakawan sa isla ng Boracay habang naliligo ang mga ito sa dagat kahapon.

Sa report ng Boracay PNP, kinilala ang mga biktimang sina Hannah Elizabeth Cadic Sack at Katherine Jane Lillywhite na pansamantalang naka-tira sa isang hotel sa Manoc-manoc Boracay.

Nabatid na iniwan ng dalawang biktima ang kanilang bag sa buhangin para maligo sa station 1 ngunit makalipas umano ang ilang minuto ay sinabihan sila ng mga tao sa lugar na may tumangay ng kanilang bag na mabilis namang nakatakas.

Ang nasabing bag ay naglalaman ng ibat-ibang cards, perang nagkakahalaga ng mahigit dalawang libong peso, dalawang cellphone, passport at sunglasses.

Samantala, agad namang nahuli ang suspek na kinilalang si Babbie Taleon ng Roxas City, Capiz ng mga otoridad at agad na ikinustuduya sa Boracay PNP para sa karampatang disposisyon. 

No comments:

Post a Comment