Tuesday, September 29, 2015

COMELEC walang “extension” sa biometrics registration

Posted September 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelecWala umano ngayong balak ang Commission on Elections (COMELEC) na palawigin pa ang registration ng Biometrics para sa Election 2016.

Ayon kay COMELEC-Aklan Information Officer Chrispin Raymund Gerardo, hanggang Oktobre 31 na lamang ngayong taon ang registration ng biometrics para sa mga hindi pa nakapag parehistro.
Sinabi nito na wala ng extension sa mga hindi na makakahabol sa itinakdang petsa na kung saan hindi sila maaaring makaboto sa lokal at nasyonal eleksyon sa Mayo 9, 2015.

Dagdag ni Gerardo, kung matapos na umano ang biometrics registration ay pag-tutuunan na nila ng pansin ang paghahanda sa mga listahan ng botante.

Kaugnay nito temporaryo munang ititigil ang pagkuha ng biometrics, pag-paparehistro at iba pang gawain sa Oktubre 12 hanggang 16 para bigyang daan ang pagpasa ng mga mga Certificates of Candidacies (COCs) ng mga tatakbo sa 2016 election.

No comments:

Post a Comment