Thursday, October 01, 2015

Babaeng nagbebenta ng illegal na droga sa Boracay, arestado sa buy-bust operation

Posted October 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for illegal drugsArestado sa isinagawang buy-bust operation ang isang 43-anyos na babae sa Sitio Bantud, Brgy. Manoc-Manoc Boracay kahapon ng hapon.

Sa pinagsamang pwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation (PAIDSTG) sa pangunguna ni PCI Bernard Ufano, Regional Special Operation 6 (RSOG-6) at ng Boracay PNP sa pangunguna naman ni PSI Fidel Gentallan ay naaresto ang suspek na si Solenia Villafria-Malayang ng Bo. Obrero, Lapuz, Lapaz, Iloilo City at presenteng nakatira sa Manoc-manoc Boracay.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang dalawang sachet ng shabu, buy-bust money na dalawangpung piraso ng tig-isang libong peso at isang unit ng cellphone.

Ang suspek ay agad na ikinustudiya sa Boracay PNP para sa proper disposition at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Violation of Section 5, Article II of RA 9165.

No comments:

Post a Comment