Tuesday, September 29, 2015

Asya Premier Suites Boracay, kampeon sa 2nd First Aid Olympics ng Philippine Red-Cross

Posted September 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tinangahal na kampeon ang Asya Premier Suites Boracay sa ginanap na 2nd First Aid Olympics ng Philippine Red-Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter kaninang umaga.

Tinalo nito ang mga kalaban mula sa ibat-ibang Resort/Civic Groups sa Boracay na sumali sa nasabing palaro na may temang "First Aide and Ageing Population".

Naglaban-laban ang mga ito sa limang categories sa limang areas kagaya ng bandaging relay, caring of patient, Cardiopulmonary resuscitation (CPR), Situational analysis at Quiz bee.

Tinanghal naman bilang 2nd place ang Boracay Shang-rila, 3rd place ang Boracay Haven habang nakakuha naman ng special awards ang KABALIKAT CIVICOM.

Nakatanggap naman ang mga nanalo ng Plaque at medals na iniabot mismo ni PRC Boracay-Malay Chapter Marlo Schoenberger at ni Municipal Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos na siyang naging panauhing pandangal.


Samantala, pinasalamatan naman ni Schoenberger ang lahat ng mga grupong sumali sa matagumpay na First Aid Olympics sa Boracay.

No comments:

Post a Comment