Wednesday, September 30, 2015

Karagdagang bite centers planong itayo sa apat na bayan sa Aklan

Posted September 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bite centersPlano ngayon ng Provincial Health Office (PHO) Aklan na magtayo ng karagdagang bite centers sa apat na bayan sa probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos mapag-alaman sa ginawang survey ng PHO na apat na bayan sa lalawigan ang may pinakaraming bite cases na kinabibilangan ng bayan ng Banga, Numancia, New Washington at Malay.

Ayon sa PHO Aklan, ito ay nakatakdang ipatayo sa susunod na taon kung saan inaasahang sasailalim pa ito sa ilang deliberasyon bago simulan ang proyekto.

Nabatid na ilan lamang ito sa mga proyektong inihahanda ng Provincial Health Office ng Aklan para sa taong 2016.

Samantala, karamihan naman sa mga bite cases ay ang kagat ng aso at mga insikto na nagdudulot ng piligro sa mga tao katulad ng dengue.

No comments:

Post a Comment