Posted September 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagbigay muli ng paalala ang Provincial Public Employment
Office (PESO) sa mga Aklanon na mag-ingat kontra sa illegal recruiters.
Ayon kay PESO-Aklan manager Vivian Solano, nagkalat umano
ngayon ang mga patalastas para sa overseas jobs sa pamamagitan ng social media,
email o direct hiring.
Sinabi din nito na wala umanong job orders mula sa
Hongkong at Macao taliwas sa mga lumalabas sa commercial sa internet.
Maliban dito pinaalalahanan din nito ang mga Aklanon na
huwag magtrabaho sa ibang bansa na ang gamit ay tourist visa.
Nabatid na
nagkalat ngayon ang mga illegal recruiter sa ibat-ibang lugar sa bansa na ang
nais ay mangikil ng pera sa mga taong nais makapag-abroad at makahanap ng
magandang trabaho bilang isang OFW.
No comments:
Post a Comment