Posted July 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Balik na ngayon ang biyahe ng mga bangka sa Cagban at Caticlan
Jetty Port sa tuwing walang masamang panahon at hindi malakas ang Southwest
monsoon “Habagat”.
Ito’y matapos na magkasundo ang Provincial Government ng
Aklan at Caticlan Boracay Transportation Multi Purpose Cooperative (CBTMPC)
kasama ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan na sundin ang ordinansa ng
probinsya na One Entry-One Exit Policy sa Boracay.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang ang
disisyong umanong ito ay mula kay Governor Florencio Miraflores na siyang
nag-uutos na ibalik ang biyahe ng mga bangka mula sa Tabon at Tambisaan Port sa
Cagban at Caticlan kung wala namang masamang panahon at kung maaliwalas ang
karagatan.
Sinabi pa nito na ang Philippine Coastguard ang siyang
magdedesisyon kung kaylan ililipat ang biyahe ng mga bangka dipindi sa panahon.
Kaugnay nito nakipag-ugnayan na rin umano sila sa mga
transport groups para maiwasan ang pagkalito at hindi na umano kailangan pang
makipagtigasan.
Sa ngayon umano ay inaantay nalang nilang e-repeal o
hindi ang resolusyong No. 073 series of 2014 ng LGU Malay na siyang nagsasabi
na ang Tabon at Tambisaan Port ay regular port ng One entry-One exit to and
from Boracay sa panahon ng Habagat.
Matatandaang pinadalhan ng sulat ni Governor Miraflores
si Malay Mayor John Yap tungkol sa nasabing resolusyon na nagsasabing bawiin
ito dahil sa mayroon umanong ordinansa ang Aklan Province sa naturang One
entry-One exit policy.
No comments:
Post a Comment