Wednesday, July 22, 2015

18 wind mill ng Petro Wind Energy sa Nabas at Malay halos kumpleto na

Posted July 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit: Lowelly Yabut Rogan
Halos kumpleto na umano ang 18 wind mill project ng PetroWind Energy na itinayo sa brgy. Pawa, Nabas, Aklan at sa porsyon ng brgy. Napaan sa bayan ng Malay.


Ito ang sinabi ni Administrative Officer Benedict Vega ng PetroWind Energy Incorporated sa pagdalo nito sa 25th Regular SB Session ng Malay nitong Martes.

Ayon kay Vega handa ng makapagsuplay ng kuryente o makapag-generate ng malinis na power ng kuryente ang 18 wind mill sa lalawigan ng Aklan lalo na sa isla ng Boracay at sa mga kalapit na lalawigan.

Layunin umano ng wind mill project na ito ay ang pag-generate ng environmental friendly clean energy.

Dagdag pa ni Vega na patuloy ngayon ang kanilang ginagawang coco fiber at Erosion Mat Installation sa area ng wind mill para hindi mabuwal ang kanilang mga hinukay na lupa kasabay ang pagtatanim ng ibat-ibang klase ng puno sa lugar.

Samantala, sakaling maging polido na ang proyekto ng PetroWind sa Nabas at Malay ay posibleng bubuksan ito sa publiko bilang isang tourist attraction.

No comments:

Post a Comment