Monday, July 20, 2015

“Jony” Salme muling nahirang bilang BFI President

Posted July 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling nahirang ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) bilang BFI President si Dionesio “Jony” Salme ng Jony’s Beach Resort.

Nitong Sabado ng gabi ay kinilala si Salme sa isinagawang Induction of the Board of Directors kasama na ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng BFI na kinabibilangan ng mga private stakeholders na ginanap sa Boracay Regency Beach Resort and Spa.

Pinangunahan naman ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang pag-papanumpa kay Salme kasabay ng pagbibigay nito ng kanyang mensahe at paghanga sa BFI kung saan tinawag nito na ang nasabing foundation na “the voice and the conscience of the island of Boracay to gave us also the support and cooperation to be able to stand all the crises that happened in the island.

Samantala, present din sa naturang okasyon ang Local Government Unit Officials ng Malay, Chairperson ng Aklan Tourism Council na si Vicky Ramos, Undersecretary Demetrio Ignacio ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at si Boracay Foundation, Inc. (BFI) Chairman Dr. Henry O. Chusuey.

Nagpapasalamat naman si Salme sa ibinigay na tiwala sa kanya ng mga stakeholders sa isla ng Boracay kung saan isang malaking papel na naman ang gagampanan nito sa pangangalaga ng isla.

No comments:

Post a Comment