Posted July 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tila malabo na umanong mailipat pansamantala ang
operasyon ng Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital o Boracay Hospital.
Ito ang sinabi ni Aklan Provincial Health Officer II Dr.
Victor Sta. Maria sa reaksyon ng mga residente sa Boracay na sana ay ilipat
muna ito temporaryo habang hindi pa natatapos ang construction at expansion
project ng naturang pagamutan.
Dagdag pa ni Sta. Maria napagkasunduan umano nila na
ilipat muna pansamantala ang mga health personnel ng Boracay hospital sa Malay
District Hospital sa mainland.
Sinabi pa nito na may tatlong phase project ang hospital
kung saan ang phase 1 ay may pondo na mula sa Department of Health Region 6 na kung
saan sila ang nagpapagawa habang ang phase 2 at phase 3 ay may pondo naman sa
ilalim ng Department of Public Works and Hi-Ways (DPWH) na nakatakdang simulan
ngayong buwan ng Agosto.
Samantala, matatandaang ipinag-utos ni Governor Joeben
Miraflores noong nakaraang linggo na pansamantalang itigil ang operasyon ng
naturang hospital upang mabigyang daan ang construction ng DPWH.
No comments:
Post a Comment