Posted
July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pasa sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan ang inabot ng
isang lalaki matapos na ito’y pagtulungan bugbugin ng apat na kalalakihan sa
Boracay.
Sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang biktimang
si Ramil Malinao, 36-anyos tubong Negros Occidental at temporaryong nakatira sa
brgy. Yapak isla ng Boracay.
Nabatid sa report na naglalaro umano ng baraha ang
biktima kasama ang apat na lalaking suspek ng biglang kumprontahin ng isa sa
mga suspek ang biktima matapos na umano’y hindi ito nakapagbigay ng “Tong”.
Dahil dito isang mainit na argumento ang namagitan sa
biktikma at sa tatlong suspek dahil sa hindi pagkauunawan sa kanilang nilalarong
baraha kung saan dito na pinagtulungan bugbugin ng tatlo si Ramil.
Mabilis naman nakatakas ang biktima sa mga kamay ng
suspek at agad na nakahingi ng tulong sa mga pulis.
Samantala napagkasunduan naman ng Boracay PNP na idulong
nalang sa brgy. Justice System ng brgy. Yapak
ang nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment