Posted July 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Layong gawin ngayon ng Department of Health Region 6 at
ng Provincial Health Office (PHO) Aklan ang Malay Health Office (MHO) bilang
isang Adolescent friendly Health facilities.
Ayon kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and
Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, nagtungo umano sa kanilang
tanggapan ang DOH at PHO nitong nakaraang araw para sa checklist assessment ng
kanilang serbisyo.
Dito napili umano ng Department of Health ang MHO na
gawin itong Adolescent friendly Health facilities kung saan layun nito ang
mabuting pakikitungo sa mga Adolescent na pasyente.
Dagdag pa ni Asperas iba-iba umano kasi ang pakikitungo
sa mga pasyente depindi sa mga edad nito dahil ang pakikisalamuha umano sa bata
ay iba rin sa pakikitutungo sa matatanda.
Bagamat nagagawa naman umano nila ito sa kanilang Health
Office pero nais pa umano nila itong mas mapabuti.
Samantala, kabilang sa ginawang checklist assessment ng
DOH ay ang mga personnel ng MHO at ang kabuuang serbisyo nila.
No comments:
Post a Comment