Posted July 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat ilang buwan pa bago ang selebrasyon ng Worlds
Aids Day patuloy naman ang ginagawang meeting ngayon ng Aklan Provincial Aids
Council.
Ayon kay Debby Villaflor, Provincial Nurse Coordinator ng
STI/HIV/AIDS sa Aklan, nagsasagawa na umano sila ngayon ng regular meeting para
sa Worlds Aid Day sa Disyembre.
Maliban dito naghahanda na rin sila ng awareness campaign
tungkol sa dumaraming kaso ng Human immunodeficiency virus infection and acquired
immune deficiency syndrome (HIV/AIDS) sa probinsya.
Nabatid na nakapagtala na ngayon ang Aklan Provincial Aids
Council ng 52 kaso ng may HIV/AIDS sa lalawigan kung saan karamihan nito ay
mula sa bayan ng Kalibo at isla ng Boracay sa Malay.
Samantala, hangad ng nasabing Council na masugpo ang
dumaring kaso ng may HIV/AIDS sa tulong ng kanilang ginagawang programa at kampanya
sa pag-iwas sa nakamamatay na karamdaman.
No comments:
Post a Comment