Posted July 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.boracaystories |
May program of works na umano ang Engineering Office ng
Malay tungkol sa binabahang kalsada sa Boracay partikular sa Ambulong Manoc-manoc
Station 3.
Ito ang sinabi ni Head Engineer Azur Gelito ng Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF), matapos na ilang residente sa isla ang
nagpaabot ng pagkadismaya sa palagiang pagbaha sa nasabing lugar kahit na
walang ulan.
Ayon pa kay Gelito isa sa kanilang tinitingnang dahilan
kung bakit binabaha ang nasabing kalsada ay posibleng galing umano sa mga tubo ng
mga establisyemento sa lugar na ilegal na nagkokonekta papuntang kalsada.
Nabatid naman na walang drainage system sa nasabing area kung
kayat ilang araw pa bago humupa ang tubig baha na kung minsan ay pinasisipsipan
nalang para mawala ang tubig.
Samantala, isa rin sa ikinadidismaya ng mga residente at
motoristang dumadaan sa lugar ay dahil sa napakaruming tubig at masangsang na
amoy nito.
No comments:
Post a Comment