Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa mahigit 26 anim na libo na umanong botante sa bayan
ng Malay ang sumailalim sa biometrics registration ng Commission on Election
(COMELEC).
Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, ito ay
dahil sa puspusan nilang kampanya ng “No Bio-No Boto” para sa darating na
halalan 2016.
Sa ngayon umano ay may kabuuang 28 libong botante ang
nakarehistro sa kanila ngunit ang mahigit isang libo umano rito ay wala pang
biometrics.
Binigyang diin nito na ang nakarehistro na hindi
sumailalim sa biometrics ay hindi rin makakaboto sa darating na halalan dahil kinakailangan
muna nilang dumaan sa capturing ng biometrics, registration record at pirma.
Dahil dito patuloy parin ang ginagawang panawagan ng
COMELEC Malay sa mga wala pang biometrics na kung maaari ay mag-parehistro na
upang makabuto sa isasagawang halalan sa Mayo 9, 2016.
Samantala, dadayo naman ang COMELEC Malay sa brgy. ng
Caticlan ngayong Lunes para sa mga hindi pa nakapagrehistro gayon din sa brgy.
ng Manoc-manoc sa buwan ng Agosto.
No comments:
Post a Comment