Wednesday, July 22, 2015

Mga mag-aaral ng bayan ng Malay sumailalim sa simultaneous Earthquake Drill

Posted July 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for earthquake drillSumailalim sa simultaneous Earthquake Drill ang mga mag-aaral sa ibat-ibang paaralan sa bayan ng Malay kaninang umaga.

Ito ay inorganisa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay para sa obserbasyon ng National Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Catherine Ong ng MDDRMO, nagsimula ang nasabing drill bandang alas-9 ng umaga na pinanguhan ng kanilang evaluators.

Maliban sa mga estudyante sumali rin umano rito ang ilang National Government Agencies sa bayan ng Malay na kinabibilangan ng Philippine Coastguard (PCG) at Bureau of Fire Protection Unit sa isla ng Boracay.
 Layunin naman ng nasabing drill ay para mabatid ang antas ng kahandaan at kakayahan ng mga rescue teams kapag nagkaroon ng aktuwal na kalamidad.

No comments:

Post a Comment