Tuesday, July 21, 2015

Malay PNP patuloy ang ginagawang munhunt operation sa suspek na tumangay ng P1.3 M halaga ng pera at alahas sa Caticlan

Posted July 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for magnanakawPatuloy ngayon ang ginagawang manhunt operation ng Malay PNP sa suspek na tumangay ng sinasabing P1.3 M halaga ng pera at alahas sa Brgy. Caticlan ng nasabing bayan.

Bagamat tumangging pangalan ng embestigador ng Malay PNP ang suspek mayroon naman umano silang nakalap na impormasyo na nagtatago lang ito ngayon sa mismong bayan na kanila na ring minomonitor.

Biktima umano rito ang mag-asawa at may-ari ng bahay na sina Ernesto at Edina Sitjar na sinasabing mga negosyante.

Sa embestigasyon ng Malay PNP, madaling araw pa ng umalis ng bahay ang mag-asawa para sa isang business transaction kung saan naiwan rito ang kanilang anak na natutulog.

Sinasabing minamanman ang mag-asawag umalis kung kayat dito nakakuha ng pagkakataon ang suspek na pasukin ang naturang bahay at magnakaw.

Nabatid pa na ang naiwang anak ng mga ito ay iginapos at saka ikinulong sa banyo ng suspek kung saan malaya nitong natangay ang mga sinasabing alahas at pera ng mga biktima sa kwarto.

No comments:

Post a Comment