Posted June 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagharap na ang Seven Seas contractor ng Ocean Park Hotel
at Friends of Flying Foxes sa joint committee hearing ng Sangguniang Bayan ng
Malay kaninang umaga.
Ito ay dahil sa isyu ng ginagawang construction ng Seven
Seas sa Puka Beach na Ocean Park Hotel na kung saan ay mainit na pinag-uusapan
sa mga social media dahil umano sa ilang paglabag nito sa kalikasan.
Pinangunahan naman ng SB Officials ng Malay ang nasabing
committee hearing kasama si Vice Mayor Wilbec Gelito at ang Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF), Boracay Foundation Inc. (BFI), Engineering at
Planning Department ng LGU Malay.
Dito nilinaw ng Seven Seas na sila ay may sapat na
dokumento para sa pagpapatayo ng nasabing Ocean Park sa Puka Beach.
Patuloy din umano nilang pinoproseso ang Environmental
Compliance Certificate (ECC) sa Iloilo na siyang higit na importante sa nasabing
construction.
Sa panig naman ng Friends of Flying Foxes sa pangunguna
ni Julia Lervik sinabi nito na ang kanilang online petisyon ay hindi lamang sa
pagpapatigil ng Ocean Park kung hindi para sa buong isla ng Boracay dahil sa
unti-unti na umanong pagkaubos ng Habitat area nito.
Samantala, nabatid na kusang inihinto ng Seven Seas
developer ang construction ng Ocean Park Hotel dahil sa kaliwat kanang isyu kung
saan aminado rin sila na may nilabag sila ngunit kanila na umano itong inaayos
para hindi na maulit.
No comments:
Post a Comment