Thursday, June 25, 2015

San Juan Activity ng KBP Aklan Chapter sa Kalibo kahapon matagumpay na naidaos

Posted June 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Matagumpay na naidaos ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Aklan Chapter ang San Juan Activity sa bayan ng Kalibo kahapon.

Ito’y matapos na dinagsa ng mga Kalibonhon ang nasabing aktibidad sa Kalibo Plaza kung saan ibat-ibang palaro ang inihanda ng mga KPB Officials.

Una rito nagkaroon ang KBP ng Videoki contest na nilahukan ng 20 contestant mula sa bayan ng Kalibo na sinundan naman ng mga larong Pinoy para sa mga kabataan at mga magulang na game na sumali sa mga palaro.

Karamihan naman sa mga lumahok ay mga biktima sa nangyaring sunong nitong Hunyo sa C. Laserna Kalibo.

Nabatid na ang San Juan Activity ng KBP ay taon-taong idinaraos kasabay ng kapistahan ni San Juan De Baustista.

Samantala hiling ng KBP Aklan Chapter na magiging matagumpay pa ang kanilang mga susunod na aktibidad sa buong probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment