Posted June 27, 2015
Ni Bert Dalida
YES FM Boracay
Nagdudulot ng mabigat
na daloy ng trapiko ang kinukumpuning kalsada sa harap ng Boracay National High
School.
Kapansin-pansin
ang mahabang linya ng mga sasakyan lalo pa’t maliit lamang ang kalsada sa harap
ng nasabing eskwelahan.
Subali’t dagdag
na nagpapabigat sa loob ng mga motorista at publiko ang kawalan ng nagbabantay
o nagko-kontrol sa trapiko doon.
Wala rin kasing
nakalagay na signage doon kung kanino o sino nagpapagawa ng nasabing proyekto.
Kaugnay nito,
hindi maiwasang may mga magkokomento ng negatibo sa ginagawang kalsada.
May mga driver
namang dinadaan na lamang sa pagbusina ng malakas ang kanilang pagkabagot,
habang napapakamot na lamang ng ulo ang iba dahil sa perwisyong dulot sa
kanilang biyahe.
Samantala,
nabatid na marami pang kalsada sa isla ng Boracay ang matagal nang
nangangailangan ng atensyon mula sa gobyerno, lalo pa’t naniniwala ang publiko
na malaki ang perang pumapasok dito.
No comments:
Post a Comment