Thursday, June 25, 2015

Mga negosyaneteng nasunugan sa Talipapa Bukid, isa-isa nang nagpa-blotter sa Boracay PNP

Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isa-isa nang nagpa-blotter sa Boracay PNP ang mga nasunugang negosyante sa Talipapa Bukid nitong nakarang Miyerkules.

Ayon sa BTAC o Boracay Tourist Assistance Center, nagsimulang magpa-blotter sa kanilang presento nitong mga nakaraang araw ang mga negosyante bilang requirements umano nila sa BIR O Bureau of Internal Revenue.

Nabatid na kanya-kanyang deklara ng damages o pinsala sa kanilang ari-arian ang mga negosyante matapos ang nangyaring sunog na tumupok sa kanilang mga pwesto at mga paninda.

Magugunitang nasa apat na hektarya ang lapad ng sunog na kumain din sa mga boarding house doon at nag-iwan ng tinatayang 20 milyong pisong danyos.

Samantala, maliban sa police report na habol ng mga nasunugan, nabatid na kailangan din nilang kumuha ng certification mula sa barangay para maisumite sa BIR.

No comments:

Post a Comment