Monday, June 22, 2015

Ikalawang bahagi ng Mezzanine project ng HRP Boracay, sinimulan na

Posted June 22, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

YES FM File June 2015 by Bert Dalida 
Sinimulan na ang ikalawang bahagi ng Mezzanine project ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay.

Ayon kay HRP Boracay Team Moderator Fr.Nonoy Crisostomo, tinatayang matatapos ang proyekto sa loob ng tatlong buwan na sinumulan naman nitong nakalipas na linggo.

Nabatid na halos magiging pareho lang ang desinyo ng ginagawang mezzanine sa naunang natapos na balkonahe.

Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin sa mga parokyano ng simbahan si Father Nonoy dahil sa abalang dulot ng konstraksyon.

Pansamantala kasing hindi magagamit ang ‘right wing’ ng simbahan dahil sinimulan na rin ang paghuhukay ng poste doon.

Samantala, magugunitang unang natapos nitong nakaraang buwan ng Marso ang kaliwang bahagi ng mezzanine project na nagkakahalaga ng anim na milyong piso.

Kinumpirma naman ni Father Nonoy na may mga kaukulang permit din sa munisipyo ang nasabing proyekto.

No comments:

Post a Comment