Thursday, June 25, 2015

Ilang beach front establishments sa Boracay, nag-half day sa Kapistahan ni San Juan de Bautista

Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for San Juan Bautista sa  BoracayKadalasang dinadagsa ng publiko ang mga beach at ilog sa Aklan kapag piyesta ni San Juan de Bautista.

Kasabay nito, mistula namang ordinaryo lamang ang eksena sa Boracay dahil sa mga turistang naliligo sa beach araw-araw.

Subali’t nabatid na ilan pala sa mga beach front establishments dito ang nag-half day lang sa kanilang operasyon upang bigyang daan ang nasabing selebrasyon.

Ilan sa mga establisemyentong ito na pagmamay-ari ng mga lokal na residente ang ginawang opurtunidad ang pagdiriwang upang magsalu-salo ang pamilya.

Dahil dito, napapalingon ang mga turistang napapadaan dahil sa mga staff din mismo ng mga establisemyentong kumakain, nag-iinuman at nagbi-videoke pa.

No comments:

Post a Comment