Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kinumpirma ngayon ng Boracay PNP na naging mapayapa ang selebrasyon
ng Kapistahan ni San Juan de Bautista sa isla.
Ayon kay BTAC o Boracay Tourist Assistance Center Deputy
Chief PSInsp.Fidel Gentallan, generally peaceful umano ang selebrasyon kahapon
dahil wala namang major untoward incidents ang nangyari sa kasagsagan ng
kapistahan.
Sa kabila nito, kinumpirma din ni Gentallan na ilang
insidente dulot ng kalasingan ang naitala ng Boracay PNP.
Magugunitang naglaan din ng ‘Special Deployment’ang mga
kapulisan sa isla maliban sa monitoring ng Philippine Coastguard, Philippine
Red Cross, Life guards at ilan pang force multipliers sa nasabing selebrasyon.
Nabatid na nag-enjoy ang mga lokal na residente sa
paliligo sa dagat ng Boracay kahapon kung saan kanya-kanyang gimik din ang mga
ito sa pagdiwang ang kapistahan ni San Juan de Bautista.
Kadalasang dinadagsa ng publiko ang mga beach at ilog kapag
‘San Juan’ sa paniniwalang magdadala ito ng bendisyon sa kanila.
No comments:
Post a Comment