Thursday, June 25, 2015

SB Bautista hiling ang maayos at magandang Boracay market matapos ang sunog

Posted June 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hiling ngayon ni Malay SB Member Floribar Bautista ang pagpapatayo ng maayos na tindahan sa Boracay matapos ang malagim na sunog nitong Miyerkules sa Talipapa Bukid.

Sa ika-22nd SB Session ng Malay nitong Martes, sinabi nito Bautista na sana makapag-pagawa ng magandang tindahan at environmental friendly.

Kailangan din umano na ang area ay maging komportable at konbenyente para sa mga mamimili sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito napag-uusapan din sa SB Malay ang lugar na paglilipatan ng mga vendors na nasunugan sa Talipapa Bukid.

Bagamat pansamantalang inilipat ang ilang vendors sa Sitio Kipot sa Manoc-manoc nais parin ngayon ng SB Malay na makahanap ng ibang area na maaaring paglagyan sa mga nasabing vendors.

Samantala, minabuti parin ng ilang vendors na magbinta sa Talipapa Bukid sa kabila ng ibinigay sa kanilang relocation site sa Sitio Kipot kung saan libre sila ritong magbinta sa loob ng tatlong buwan habang wala pang nakikitang paglalagyan sa kanila.

No comments:

Post a Comment