Posted June 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy paring binabaha ang ilang kalsada sa isla ng
Boracay matapos ang naranasang mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.
Partikular rito ang sa mainroad ng Manoc-manoc na kung
saan ay pangunahing binabaha sa tuwing umuulan dahil sa kawalan ng drainage
system sa nasabing area.
Maliban dito isang area din sa Station 1 ang hanggang
ngayon ay problema ng mga motorista dahil sa may katagalan kung humupa ang baha
gayon din sa loob ng D’Talipapa Station 2.
Kaugnay nito nais naman ng SB Malay na e-suction ang
tubig baha sa mga nasabing lugar lalo na ngayon at panahon na ng tag-ulan.
Nabanggit naman ni Malay Liga President at Manoc-manoc
Brgy. Captain Abram Sualog sa SB Session ng Malay na maaaring sila nalang muna
ang maglalaan ng pondo para mabigyan ng solusyon ang pagbaha sa area ng E’Mall
hanggang sa wala pang aksyon rito ang mga kinauukulan.
Matatandaan tinawag din ni SB Member Floribar Bautista
ang pansin ng mga namamahala sa nasabing proyekto nito kung bakit hanggang
ngayon ay hindi parin nabibigyang solusyon ang mga kalsadang binabaha yaong
mayroon naman umanong pondong mapagkukunan para rito.
No comments:
Post a Comment