Monday, June 22, 2015

Boracay PNP nanguna sa listahan sa field Police Community Relation sa buong Aklan

Posted June 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Image result for Police Community Relations (PCR) Boracay PNP
Kinilala ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa pangunguna nito sa listahan ng field of Police Community Relations (PCR) sa buong probinsya ng Aklan.

Sa 19 na Police Unit sa probinsya ang Boracay PNP ang nangunguna rito umpisa noong last quarter ng 2008 hanggang ngayon sa (PER) Performance Evaluating Rating o (20 consecutive Quarterly Rating) na isinagawa ng Aklan PPO PCR Branch .

Dahil dito nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si PO3 Christopher Mendoza ng BTAC-PCR o Police Community Relations sa lahat ng kanilang katuwang sa government at non-government organization local at national pati na rin sa mga NGos.

Aniya, ang kanyang pasasalamat sa mga ito ay dahil sa patuloy na ibibigay na suporta sa kanilang ibat-ibang programa katulad ng school/community based program/activities na ginagawa sa isla ng Boracay.

Samantala, ginawa ang pagkilala sa BTAC sa ginanap na 2nd Quarter PCR Family Conference nitong Hunyo 2, 2015 sa Aklan PPO Multi Purpose Hall bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment